Thursday, March 17, 2005

kaibigan

sadyang malupit ang buhay, kung ano ang pinapahalagahan mo, un ang unang mawawala...ako ang tipo ng tao na hindi mahilig makipag kilala at makipag kaibigan. ito marahil ang dahilan kung bakit pag dating sa aking mga kaibigan ay madamot ako. para bang ayokong magkaroon sila ng ibang kaibigan bukod sa akin..hindi ko din ugali ang magkwento ng kahit ano tungkol sa aking buhay kahit pa sa aking mga kaibigan. ngayon ko lang unti-unting natututuhan at nararamdaman ang gaan ng pakiramdam kapag nailalabas mo lahat ng mga hinanakit, kapag mayroon kang makakausap kapag kinakailangan mo..madamot akong tao, ayokong maagaw sakin ang aking mga kaibigan, kaya lamang, wala akong karapatan para pakialaman ang kanilang mga buhay..siguro kaya ako nagkakaganito ay dahil minsan ko nang naramdaman ang sakit ng mawalan ng isang malapit na kaibigan..hindi man nawala ng pisikal, pero di na kami tulad ng dati..siguro takot lang ako na maramdaman ko ito uli..hindi kasi lahat ng kaibigan ko nagiging ganito kalapit sa akin..marahil ay sasabihin nya na hindi siya lalayo o hindi magbabago ang pagkakaibigan namin pero ganito din kasi ung nangyari dati...hindi ko maaaring iwasan at hindi ko din maaaring pigilan..mangyayari at mangyayari din ito..kung sabagay, nakadepende din naman sa pagkatao nila at pagkatao ko kung magiging katulad nga ito ng dati o hindi..isa lamang ang nasisiguro ko..ano man ang mangyari, magiging masaya ako para sa kaibigan ko dahil sadyang ganito ako..kahinaan ko ang aking mga kaibigan. ano mang desisyon ang kunin gawin nila, sa oras na kailangan nilang bumalik, nadito lang ako...unless bigyan ako ng pamasahe papunta kung saan..hehe

BAKIT?

hindi ko alam kung bakit...lagi na lamang ganito...walang araw na hindi ko itinanong sa aking sarili kung bakit? BAKIT nga ba?BAKIT ganito? BAKIT lagi na lamang ganito? wala na akong ginawang tama..wala...bawat araw na dumaan, hindi ko maiwasang hindi mangyari..lagi na lamang akong pumapalpak..hindi ko na malaman ang aking gagawin..nahihirapan na ako..lahat na lang ng ginagawa ko ay mali, hindi ko ito gusto..kaya lamang ay di ko ito maiwasan..bahagi na siguro ito ng aking pagkatao..marahil ay habang buhay na akong magtatanong,magtataka at magiisip kung BAKIT...